Pebrero 28, 2023 Halalang Munisipal

T: Sino ang kwalipikadong bumoto sa Pebrero 28, Halalang Munisipal?

S: Lahat ng kwalipikadong botante sa Chicago, kasama na ang mga kailangang: magparehistro sa Araw ng Halalan sa unang pagkakataon, mag-file ng bagong adres, o mag-file ng bagong pangalan. Upang makapagparehistro, kailangang ikaw ay:

 - isang mamamayan (citizen) ng U.S., at

 - ipinanganak sa o bago mag-Pebrero 28, 2005, at

 - nakatira sa iyong presintong botohan nang hindi bababa sa 30 araw bago ang halalan, at

 - hindi umaaangkin ng karapatan na bumoto sa ibang lugar, at

 - hindi nakakulong sa bilangguan/nagsisisilbi ng parusa para sa hatol na may sala. (Tandaan: ang mga dating nabilanggo na nakalabas na ng bilangguan at tumutupad sa lahat ng ibang kinakailangan na nakalista sa itaas ay kwalipikadong magparehistro at bumoto sa Illinois. Ang mga dating nabilanggo na nasa parole/probasyon AY kwalipikidong magparehistro at bumoto sa Illinois.)


 Mag-click dito para sa impormasyon tungkol sa Maagang Pagboto at Rehistrasyon


   Tingnan dito upang i-tsek ang iyong katayuan sa pagrehistro o upang mahanap ang lugar ng iyong botohan sa Araw ng Halalan. Kung ikaw ay HINDI rehistrado o kung ikaw ay lumipat ng tirahan magmula noong huli kang nagparehistro, huwag mong isama ang iyong apelyido. 


T: Lumipat  ako kamakailan. Boboto ba ako sa bago kong presinto o sa dati kong presinto ? S: Kung lumipat ka sa bago mong adres sa, o bago, mag-Enero 29, 2023 (hindi bababa sa 30 bago dumating ang Araw ng Halalan), bumoto ka sa presinto ng halalan para sa iyong bagong/kasalukuyang adres. Maa-update mo ang iyong rehistrasyon at pagboto sa iyong bagong presinto ng botohan gamit ang dalawang uri ng ID, na ang isa man lang ay may kasalukuyang adres mo. May listahan ng mga katanggap-tanggap na uri ng ID na makukuha sa bawat lugar ng botohan. 


Kung ikaw ay lumipat sa loob lang ng Chicago pagkatapos ng Enero 29, 2023 (kulang sa 30 araw bago ang araw ng halalan), bumoto ka sa presinto ng botohan sa iyong dating adres..


T: Anong mga posisyon ang nasa balota sa Pebrero 28, 2023?

S: Ang mga posisyon ng Alkalde, Clerk ng Siyudad, Tesurero ng Siyudad, Mga Alderman (lahat ngl 50 Wards), at mga Distrito ng Konseho ng Pulis ay nasa balota. Mag-click dito para sa listahan ng mga posisyong nasa balota.


T: May mga kandidato bang puwedeng isulat sa balota?

S: Oo. Upang bumoto sa isinusulat na kandidato sa touch screen, piliin ang “Isulat” at may keyboard na lalabas upang ilagay mo ang pangalan ng kandidatong isinusulat ang pangalan. Sa papel na balota, maaari mong isulat ang pangalan ng kandidato kung may espasyo upang isulat ito sa lugar ng opisinang ibinoboto, at pagkatapos ay ikonekta ang ulo’t buntot ng arrow sa tabi ng espasyo para sa pagsulat. Huwag isusulat ang pangalan ng kandidato kung ang pangalan niya ay nababasa na sa balota. 


T: :Mayroon bang Maagang Pagboto sa Personal at Pagboto sa Mail bago ang mismong petsang Pebrero 28. 2023 na Halalang Pangmunisipyo?

S: Oo. Mayroong Maagang Pagboto sa Personal at Rehistrasyon sa mga lugar na iaanunsiyo sa katapusan ng Enero, 2023. Ang sinumang botante ay maaaring Bumoto Sa Mail (sa pamamagitan ng pag-apply online o paggamit ng form na ipinapadala sa mail). Inirerekomenda ng Lupon na Bumoto Sa Mail nang maaga upang makaseguro na may sapat na panahon ang botante upang matanggap at maibalik ang kaniyang balota bago o sa Araw ng Halalan. Ang pinakahuling pagkakataon na tatanggapin ng Lupon ang mga aplikasyon para sa Pagboto Sa Mail ay ika-5 n.h., Pebrero 23, 2023. Kung ganoon na kahuli mag-apply, kaunti na lamang ang panahon ng botante upang bumoto at ibalik ang balota. Dagdag pang kaalaman tungkol sa Maagang Pagboto nang Personal at Rehistrasyon

  Dagdag pang kaalaman tungkol sa pagboto sa Mail


T: Kailan ko kailangang magpakita ng ID upang bumoto?

S: Hindi mo kailangan ng ID kung ikaw ay rehistrado na upang bumoto AT tumutugma ang iyong pirma sa pirmang naka-file AT walang mga tanong tungkol sa iyong rehistrasyon. Gayunpaman, may mga pagkakataon na kailangan mo ng identipikasyon (ID), gaya ng kung sabay kang nagpaparehistro upang bumoto o nag-update ng pangalan o adres sa iyong rehistrasyon sa araw mismo ng pagboto mo nang personal. Matuto pa ng tungkol sa mga ID dito. 


T: Kailangang ko bang magdeklara ng politikal na partido upang makaboto sa Pangmalawakang Halalan?

S: Oo. Sa ilalim ng batas ng Illinois, Bumoboto ang mga botante sa Pangmalawakang Halalan sa iisang balota lamang na naglilista ng mga kandidato para sa iisang partidong iyon. Malayang manatili sa isang partido o magpalipat-lipat ng partido ang isang botante tuwing halalan. Ang pagpili ng isang tao sa Pangmalawakang Halalan ay hindi makakaapekto sa pagboto niya sa mga darating na halalan. Mangyaring tandaan: kung pinili mo ang ‘walang partido’ (‘non-partisan) na balota, walang makikitang pangalan ng kandidato at posisyon sa balotang iyon, at maglalaman lamang ng mga tanong ng referendum, na batay sa kung saan ka nakatira, kung mayroon man ng mga ito.


T: Kung may pagkakamali ako habang bumoboto, maaari ko ba itong palitan?

S: Kung hindi mo pa naihulog ang iyong balota at napansin mong may mali sa iyong pagpili sa touch screen, bumalik ka at pindutin muli ang pinili mong iyon at baguhin ang pagpili mo sa gusto mo talagang piliin. Kung nagkamali ka sa papel na balota, kailangang hilingin mo sa hukom ng halalan na gawing di-balido ang balotang iyon at humiling ka ng panibagong papel na balota. 


T: Gaya ng Maagang Pagboto, maaari bang bumoto saan mang lugar ng botohan ang botante sa Araw ng Halalan?

S: Sa Araw ng Halalan, maaaring bumoto ang isang botante sa lugar ng halalan na nakatakda para sa kaniya, o sa alinman sa 51 Lugar ng Halalan na bukas sa Araw ng Halalan. Mag-click dito upang hanapin ang iyong numero ng presinto at lugar ng halalan, at kung hindi ka pa rehistrado sa ilaim ng pangalan at adres na iyon, ilagay ang adres mo lang, hindi ang iyong apelyido.


T: Pareho ba sa mga huling halalan ang lugar ng halalan ko?

A: Hangga’t maaari, pinapanatili ng Lupon ang mga lugar ng halalan sa parehong lokasyon. Gayunpaman, mayroong mga may-ari ng mga dating lugar ng halalan na hindi magawang ipagamit o ayaw nang ipagamit muli ang kanilang lugar para sa kasalukuyang halalan. Mag-click dito upang mahanap ang numero ng presinto mo at lugar ng halalan, at i-tsek ito muli kapag malapit na ang Araw ng Halalan.


T: May mga karatulang pangkampanya sa pampublikong lugar. Aaalisin ba ng Lupon ng Halalan ang mga ito? 

S: Ang Lupon ng Halalan ay may hurisdiksiyon lamang sa mga karatula sa mga lugar ng halalan na ginagamit sa Araw ng Halalan o sa panahong ng Maagang Pagboto, at gayunman, doon lamang sa lugar ng halalan mismo at sa “sonang walang pangangampanya,” na may sukat na 100 talampakan mula sa entrada hanggang sa lugar ng halalan. Pinapahintulutan ang mga karatulang pangkampanya sa mga ari-ariang kinatatayuan ng lugar ng halalan sa kondisyong sila ay nasa labas ng “sonang walang pangangampanya.” Sa panahon ng Maagang Pagboto, maaari kayong tumawag sa 312-263-1394 kung may tanong tungkol sa mga karatula sa mga lugar ng Maagang Pagboto. Sa Araw ng Halalan, maaari ninyong tawagan ang Sentral ng Halalan (Election Central) sa 312-269-7870 kung may tanong kayo tungkol sa mga karatulang pangkampanya sa mga lugar ng halalan. Kailangang tumawag kayo sa 311 kung ang tanong ninyo ay tungkol sa mga karatulang pangkampanya na nasa ibang lugar na pampubliko gaya ng tulay, parke, salubungan ng mga kalsada, atbp.


T: Kung Bumoto ako nang Maaga, tapos ay nagbago ako ng isip, maaari ba akong bumotong muli sa Araw ng Halalan upang kanselahin ang una kong balota? 

S: Hindi. Kapag nakaboto na ang isang botante, hindi na siya maaaring maghulog ng panibagong balota sa parehong halalan. Isang pelonya (felony) o mabigat na krimen ang sumubok na bumoto nang higit sa isang beses para sa parehong eleksyon. 


T: Ano ang Pansamantalang Balota (Provisional Ballot)? Kailan binibilang ang mga Pansamantalang Balota? 

S: Kung hindi makita ng mga hukom ng halalan ang rekord ng rehistrasyon sa pagboto ng isang botante sa isang presinto, maaaring gawin ng hukom ang mga sumusunod: 

  - Gumawa ng “pangsiyudad na paghahanap” sa Electronic Poll Book upang matiyak kung ang botante ay nasa ibang presinto. Kung ganoon nga, sasabihin sa iyo ng hukom ang tamang lugar ng halalan mo at ang adres nito, o,

  - Subukang iberipika na ang adres mo ay sakop ng presinto sa pamamagitan ng mapa ng presinto, balangkas (mga hangganan) ng presinto, listahan sa poll, o pagatawag sa hotline ng rehistrasyon. 


Ang paghulog ng Balotang Pansamantala (Provisional Ballot) sa maling presinto ay maaaring magresulta sa HINDI pagbilang ng lahat o ilan sa mga pinili mo sa balota. Ito ang dahilan kung kaya kailangang pumunta ang mga botante sa tamang lugar ng halalan kung dinirekta sila na doon bumoto. 


Kasama sa mga dahilan ng pagboto gamit ang Pansamantalang Balota ang: 

   a) Walang makitang rekord ng rehistrasyon sa presinto;

   b) Hinamon ang Botante sa pagboto at pinanatili ng hukom ang hamong iyon;

   c) Kinailangang magpakita ng ID ang botante ngunit wala siyang katanggap-tanggap na ID. 

   d) Nakaulat na naghulog na ang botante ng balota sa pamamagitan ng maagang pagboto o sa pagboto sa mail, ngunit naniniwala ang botante na ang nasa rekord ay isang pagkakamali;

   e) Inihuhulog ng botante ang balota niya sa oras ng pinahabang oras (extended hours) na inatas ng korte sa lugar ng halalan.


Hinihiwalay ang mga pansamantalang balota sa ibang mga balota na hinulog sa Araw ng Halalan.


Pagkatapos ng Araw ng Halalan, sinusuri ng mga empleyado ng Lupon ang mga aplikasyon ng pansamantalang balota upang mapagpasiyahan kung dapat isama ang mga ito sa bilang. Dagdag pa, may 7 araw ng kalendaryo pagkatapos ng Araw ng Halalan ang bawat botanteng naghulog ng pansamantalang balota upang magpakita sila ng dokumentong nagpapatunay (ID na may retrato, bill ng utility (kuryente, gas, atbp), paglalahad mula sa bangko, atbp.) na sila nga ay nararapat na bumoto sa presintong iyon. 


T: Kailangan bang bigyan ng mga kompanya ng time-off sa trabaho ang empleyado upang makaboto ang mga ito?

 A: Oo, may karapatan ang mga empleyado sa dalawang oras na time-off:


a) Kung binigyan ng empleyado ang kompanya ng notisya bago ang Araw ng Halalan (Hindi sinasabi ng Koda ng Halalan kung anong uri ng notisya ang kailangan);


b) Maaaring piliin ng kompanya ang mga oras na maaaring kuning time-off ng empleyado;


c) Kailangang pahintulutan ng kompanya ang 2 oras na time-off sa empleyado kung ang trabaho ng empleyado ay nag-uumpisa bago 7:59 n.u. (nasa loob ng dalawang oras ng pagbubukas ng mga lugar ng halalan) at ang katapusan ng trabaho ay paglagpas ng ika-5:01 n.h. (sa loob ng dalawang oras ng pagsasara ng mga lugar ng halalan).



Walang kompanya ang maaaring tumanggi sa empleyado sa pag-time-off sa trabaho o parusahan o multahan ang empleyado, kasama na ang pagbawas sa suweldo nito, dahil lamang sa pag-time-off sa trabaho sa ganitong dahilan.


T: Kung ako ay biglaang na-ospital nang may kaunting panahon na lamang bago ang halalan, paano akong makakaboto? 

S: Ang isang rehistradong botante na nagsimulang maospital nang hindi mas maaga sa 14 na araw bago ang halalan ay maaaring humiling ng balota para sa Pagboto sa Mail. 

(1)  Kailangang makumpleto ng botante, ng doktor ng botante, at ng representante (kamag-anak o iba pang rehistradong botante sa parehong presinto) ang aplikasyong ito


(2) Ang nakumpletong aplikasyon ay maaaring ibigay nang personal sa 69 W. Washington, ika-8 palapag, o i-email sa [email protected]

(3) Responsabilidad ng representante ng botante ang kunin ang blangkong balota sa 69 W. Washington, ika-8 palapag, ibigay ang balota sa botante, at ibalik ang balotang mayroon nang boto sa 69 W. Washington, ika-8 palapag.

(4) Kung ang aplikasyon ng botante ay ipinasa sa email, ang ORIHINAL ay dapat pirmahan, ipanotaryo, at ihulog kasama ang balotang may boto nang hindi lalagpas sa ika-7 n.g. Sa Araw ng Halalan. Sa ilalim ng batas, ang isang balotang Ibinoto Gamit ang Mail ay hindi maaaring ipasa sa pamamagitan ng email o fax.